Contact
Maliit na independent project ang SaanPwede, hindi ito call centre. Pero binabasa namin ang lahat, at may mga mensaheng inuuna namin.
Nakakita ka ng mali? Sabihin mo agad.
Ito ang pinakamahalagang mensaheng maipapadala mo sa amin. Mabilis magbago ang mga patakaran sa visa, at minsan ay nauuna pang malaman ng mga totoong manlalakbay kaysa sa mga opisyal na page. Kung may nakita kang hindi tugma sa nakalagay sa amin, lalo na kung galing ka mismo sa counter, embassy, o visa centre, sabihin mo sa amin at ive-verify namin agad laban sa opisyal na pinagmulan.
Kung kaya mo, isama ang: aling page, ano ang mali, at saan mo nalaman ang tama (opisyal na page, notice, o karanasan mo mismo). Malaking tulong iyon.
Mga tanong tungkol sa sariling biyahe
Marami kaming natatanggap na tanong na ganito, at gusto sana naming sagutin lahat isa-isa, pero hindi namin kaya nang maayos. Kaya nandoon na sa site ang mga sagot: tingnan ang checker para sa requirements ng bawat bansa, o ang aming guides para sa show money, offloading, at kung ano ang dadalhin kapag walang COE.
Kung may tanong kang hindi nasasagot ng site, i-comment mo sa aming Facebook page. Mas mabilis kaming makakasagot doon, at ang tanong mo ay makakatulong din sa ibang nagbabasa. Ilan sa aming pinakamagandang guide ay nagsimula bilang isang comment.
Ang hindi namin kayang gawin
Para maging malinaw, dahil madalas itong itanong: hindi kami travel agency at hindi kami recruitment agency. Wala kaming opisina. Hindi kami nagpoproseso ng visa, hindi kami nag-a-apply para sa’yo, at wala kaming trabahong ino-offer sa ibang bansa. Impormasyon lang po ang binibigay namin, libre.
Kung trabaho sa ibang bansa ang hinahanap mo, ang tamang daan ay sa pamamagitan ng DMW-accredited agency, at i-verify ang ahensya sa dmw.gov.ph bago ka magbigay ng pera o dokumento. Maraming pekeng recruiter na naniningil ng malaki para sa trabahong wala naman.
Partnerships at press
Bukas kami sa mga pakikipagtulungan na may tunay na silbi sa mga manlalakbay na Pilipino, travel services, eSIM, insurance, at katulad. Ang mga affiliate partnership ay laging nakadisclose sa page kung saan ito lumalabas, at hindi kailanman nakakaapekto sa aming mga requirements o payo. Hindi kami tumatanggap ng bayad para sa paborableng nilalaman.
Paano kami makokontak
Ang pinakamabilis na paraan ay sa pamamagitan ng aming Facebook page — mag-comment sa pinakabagong post o mag-message. Binabasa namin ang inbox kahit hindi kami nakakasagot ng isa-isa doon.